Pinoy Quotes SMS part 3

2.09.2009

Jr: I know the truth, Mom! Mom: Ha?! Ito P500, huwag ka lang maingay sa daddy mo ha? Jr: Dad, I know the truth! Dad: Ha?! Ito P1000, huwag ka lang maingay sa mommy mo ha! Jr: (Ok pala ito! Subukan ko nga din sa katulong namin.) Inday! Alam ko na ang katotohanan! Inday: Sa wakas! Yakapin mo ako, anak ko!

Marami ang nagsasabi na makulit daw ako. Totoo ba? Na makulit ako? Ha? Totoo ba? Ano? Totoo ba? Sagoooot! Totoo ba? Ha? Ha? Totoo? Ano? Totoo? Huuyy! Ano? Makulit ba ako? Makulit ba? Hindi naman di ba? Sagot! Bakit hindi ka sumagot? Kulit ko ba talaga? Hindi naman, di ba? Baka ikaw ang makulit! Kaw pala ang makulit, pindot ka pa ng pindot eh. Kita mo, ikaw ang makulit! O, pumipindot pa rin! O, kulit! Oh, ano? Pindot ka pa rin? Bahala ka! Wala na, pindot pa rin ng pindot! Sino ngayon ang makulit? Ikaw!

I ask God to bless you, guide you, keep you safe, give you peace, give you love and joy and cash everyday. Ok yon, di ba?

Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain! Juan: Maniwala ako?! Pedro: Totoo! Juan: Ano ba ang ulam nyo? Pedro: Asin!

Nurse: Miss, gising na! Patient: Ah, bakit? Nurse: Oras na ng pag-inom ng gamot. Patient: Anong gamot? Nurse: Sleeping pills.

Boy Guwapo + Girl Ganda = Perfect Couple. Boy Guwapo + Girl Panget = True Love. Boy Panget + Girl Ganda = Galing Diskarte. Boy Panget + Girl Panget = SUKOB!

Kano: (trying to speak tagalog) Megkanow isang kelow mang-gow? Pinoy: One way! Kano: Megkanow? Pinoy: I said one way! Kano: Ano eybig sabeyhin one way? Pinoy: Isang daan!

Parrot sa dumadaang babae: Panget! Panget! Babae: Kapag sinabi mo pa ulit yan sa akin, papatayin na kita! Next day. Parrot: Psst! Babae: Bakit?! Parrot: Alam mo na! =)

It's my obligation to pray for you, to make you happy and comfort you. When you're down, I will lift your spirits. Wala naman akong choice eh, ganyan ang papel ng mga angels.

Ama: Bakit ka umiiyak? Anak: Pumasa po kasi ako sa test. Huhuhu! Ama: Aba, magaling! Anong subject yun, anak? Anak: Pregnancy test po itay!

Madaming gago sa mundo at handa silang gaguhin ka, pero hindi nila alam, may kaibigan ka na mas gago sa kanila. Subukan lang nilang gaguhin ka, gagaguhin ko ang kapwa ko gago kapag nasaktan ka!

Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas! Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?! Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay, natatakot ako kay misis eh. =)

Minsan, nakukuha kong tumawa kahit malungkot. Nakukuha kong magbago kahit sobrang hirap. Nakukuha kong ngumiti sa mga problema. Lahat yata, makakaya ko, huwag lang yung kalimutan ako ng nagbabasa nito.

Kapag balisa ka, remember God's promise. Kapag inis ka, control yourself. Kapag may problema, pray. At kapag wala kang pera, isipin mo ako. Kasi, hindi ka nag-iisa. Wala din akong pera! Hehehe.

One great problem in life is loneliness. But somehow, texting gives relief. It's like making a tap at the back saying, "Ayos ka lang ba dyan? Eto lang ako ha, ingat!"

Binata: Ale, liligawan ko po ang anak nyo. Ale: Huwag muna. Nag-aaral pa sya. Binata: Sige po, kapag uwian na lang nila.

Even though you're far away, always remember that I'm here to stay. So, if ever you're lonely and blue, pacheck-up ka oy! Walang taong blue! Ano ka, si Doraemon?! Hehehe.

Thought of the Day: Kapag binuhat ba kita at binuhat mo ako ng sabay, lulutang ba tayo pareho?

What is the best and worst news a man might hear at the same time? It's when your girlfriend says, "Ikaw talaga ang may pinakamalaking etits sa lahat ng kabarkada mo!" =)

Sa simbahan, isang bata: Lord, bigyan nyo po ako ng bike! Kinabukasan, wala syang natanggap kaya humiling ulit sya: Lord, bigyan nyo ako ng bike!! Pero wala pa ring natanggap. The next day, napansin ng pari na nawala ang rebulto ni Mama Mary! May nakita syang sulat sa altar: "Lord, kung gusto mo pang makita ang mama mo, bigyan mo ako ng bike!"

0 comments: