1) If I get takot, would you hawak me tight? If I gawa something mali, would you make it right? If I build an apoy, would you bantay the flame? If I sabi I miss you, would you ramdam the same?
2) Ako? Ako yung "nothing", as in, nothing para sa 'yo, kasi, alam ko na meron ka nang "your everything." Pero sana, alam mo na kapag nawala si "everything", dyan lang si "nothing" to give you "everything."
3) Kapag naloko ka, huwag kang iiyak. Kapag iniwan ka, huwag kang hahabol. Kapag sinaktan ka, huwag kang magmamakaawa. Instead, be proud and say, "Yes! available na ako!"
4) Hindi ko alam kung bakit nagseselos ako kapag may ibang nagpapangiti at nagpapasaya sa 'yo. Hindi naman siguro sa makasarili ako kundi natatakot lang ako na sa sobrang kasiyahan mo, lumobo ang sipon mo!
5) When everything seems unfair, when all that you do is not appreciated, I'll go with you, wipe your tears, take you for a walk and tell you, "Ito ang lollipop, tahan na, hindi natin sila bati."
6) Ang pagkakaibigan ay parang bulate sa puwet, hindi mo nakikita pero nadarama mo yung kiliti nito. Salamat ha, kasi, isa kang bulate sa pwet ko, ang kati mo dude!
7) Mawala man ako sa 'yo, maraming darating, higit pa sa akin. Pero kung talagang nakalaan na ako para maging kaibigan mo, babalik ako ilang ulit man akong kuhanin ng ABS-CBN at GMA.
8) Ang buhay ay mahirap, puno ng lumbay at pagsubok, pero kapag ikaw ay nadapa, bumangon ka at buong tapang mong sabihin, "Sino bang tumulak sa akin? Parang tanga eh!"
9) Ang buhay ay parang prutas, dahil sa usok nagmula ang alikabok na hindi maabot ng pilay. Tandaan na ang pag-ibig ay hindi napupulot sa kalderong mainit. Hindi mo gets? Good evening na lang!
10) Ang mga boys, hindi dapat pinaglalaruan, hindi rin niloloko. Kasi, ang mga yan, sobrang magmahal, sobrang masaktan. Iiyak-iyak lang sa sulok, pero kapag yan, gumanti! Loko! Nambubuntis yan! =)
Collection of Tagalog SMS
1.09.2009Posted by --- at 23:51
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment